• Nueva Ecija News
  • National News
  • Other News
    • Arts
    • Business
    • Culture
    • Entertainment
    • Fashion
    • Health
    • Lifestyle
    • Technology & Science
  • Photos
  • Videos
  • About

Mahigit 409,000 na National ID, nai deliver na ng PSA Nueva Ecija

Posted by philpiccio | Jul 28, 2022 | National News, Nueva Ecija News | 0 |

Mahigit 409,000 na National ID, nai deliver na ng PSA Nueva Ecija

Umaabot sa 409,361 ang bilang ng mga naibabang National ID ng PSA o Philippine Statistics Authority sa Philpost o Philippine Postal Corporation sa lalawigan ng Nueva Ecija batay sa pinakahuling datos nitong July 2021.

Ayon kay PSA Nueva Ecija Chief Statistical Specialist Elizabeth M. Rayo, natanggap na ng 383,000 na Novo Ecijano ang kanilang Philsys ID habang ang natitira pang 26,361 ay nakatakdang ideliver ng Philpost sa bawat bahay ng registrants sa mga susunod na araw.

Nilinaw ni Rayo na mabusisi ang bawat proseso mula sa pagverify ng mga pangalan hanggang sa pagpiprint ng Central Bank dahil sinisiguro ng mga ito na tama ang lahat ng mga impormasyon na nakalagay sa Philsys ID.

Ito umano ang ilan sa mga rason kung bakit may mga nagparehistro na natatagalan na makatanggap ng kanilang printing ID.

Nagbabala naman ang PSA-Nueva Ecija sa mga pampubliko at pribadong establisyemento na maaaring managot ang sinumang hindi tatanggap bilang valid id ang National ID Card. Aniya, may multang P500,000 ang tatanggi alinsunod sa Section 19 ng Republic Act 11055.

Bukas pa rin ang tanggapan ng PSA sa mga nais magparehistro na may edad limang taong gulang pataas. Sa mga taga-Cabanatuan City ay maaaring pumunta sa NE Pacific Mall at SM Mega Center. Pwede ring makipag-ugnayan ang mga Novo Ecijano sa mga barangay ng bawat bayan at sa PSA-Nueva Ecija Main Branch na matatagpuan sa F Harrison Bldg. Brgy. Dicarma, Maharlika Highway sa nabanggit na lungsod.

Para sa mga edad lima hanggang labing pitong gulang ay magdala ng birth certificate na galing sa PSA o sa munisipyo, Student ID at barangay certicate.

Sa edad labing walo pataas, magdala ng dalawang government issue ID tulad ng Philippine passport, UMID ID na inisyu ng SSS at GSIS, Driver’s License, Voter’s ID, barangay clearance, NBI clearance at iba pa.

Share:

Rate:

PreviousHalos 3,200 na pamilya, tatanggalin sa listahan ng 4ps ng DSWD-Nueva Ecija
NextMga magbababoy na naapektuhan ng ASF, nagkaroon ng seminar upang makabangon na muli

About The Author

philpiccio

philpiccio

Related Posts

11 Taong Gulang na Novo Ecijana, ginawaran ng “The Most Promising  Young Female  Singer of The Year” sa Japan

11 Taong Gulang na Novo Ecijana, ginawaran ng “The Most Promising Young Female Singer of The Year” sa Japan

February 14, 2019

Denisse Garcia, itinanghal bilang binibining San Antonio 2019

Denisse Garcia, itinanghal bilang binibining San Antonio 2019

January 16, 2019

Kauna-unahang Farm Tourism Product  Development  Seminar sa Nueva Ecija, lnilunsad ng pamahalaang panlalawigan

Kauna-unahang Farm Tourism Product Development Seminar sa Nueva Ecija, lnilunsad ng pamahalaang panlalawigan

August 14, 2019

KASONG LARGE SCALE ILLEGAL RECRUITMENT, PINABABASURA NG KAMPO NINA SERGIO AT LACANILAO

KASONG LARGE SCALE ILLEGAL RECRUITMENT, PINABABASURA NG KAMPO NINA SERGIO AT LACANILAO

June 10, 2015

Leave a reply Cancel reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *