NAKAWALANG MAG-INANG KALABAW SA GUIMBA, GINAWAN NG MEMES NG NETIZENS

Pampagood vibes ang naihatid sa mga netizens ng post ni Renz Martinez sa Facebook group na Batang Guimba na umani ng mahigit 700 reactions and still counting at samu’t saring memes.

Ayon sa post ni Renz, nakakawala ng lasing ang dalawang kalabaw na kinunan pa nito ng larawan habang nasa gitna ng madilim na kalsada sa Brgy. Cawayang Bugtong, Guimba.

Kinagiliwan naman ng mga netizens ang post at nagbahagi ng mga nakakatawang comments:

Komento ni Janine Florenz Silao, “iangkas mo na pauwi”, ayon naman kay Daisy Lucas “Baka lasing din po, makikisabay cguru uuwe”, comment naman ni Guian “Lasing yan, baka nag-uusap sila. Heart-to-heart talk ganon”, sinabi naman ni Raymond Garcia Carlos “Nag-over time lang cla bossing pauwe na din yan”, ayon naman kay Cris Jude Eranista “yan na ang bagong tanod ngayon”, entry naman ni Antonio Fernandez “nadaan din po dto samin yan 7/11 po punta baka mali napagtanungan”, say naman ni Laurence Ng Mundo “Nawawala daw po amo nila hinahanap lang nila”, hirit naman ni Grab Mo To “nakipag inuman din po yan kalabaw nayan nalasing lang di alam san pauwi”.

Kwento ni Renz, pauwi na sana siya ng Brgy. San Roque bandang 9:30 ng gabi noong Oct. 3, 2022, sakay ang kanyang motorsiklo galing sa maikling bonding inuman nilang magkakaibigan, nang bigla itong may naaninag na nakaharang sa daan na inakala niyang taong nakatalukbong ng itim na tela kaya napahinto siya.

Biro pa ni Renz, nakakaluwa ng mata at hindi lang nakakapagpahinto ng sasakyan ang mag-inang kalabaw, kundi pansamantala ding nakakapagpahinto ng tibok ng puso.

Ipinost aniya nito ang larawan ng mga kalabaw para kaagad na makita ng may-ari upang maiuwi at bilang awareness na rin na siguraduhing nakatali at hindi makakawala ang mga alagang hayop para hindi nakahambalang sa kalsada na maaaring maging dahilan hindi lamang ng disgrasya kundi maging atake sa puso.