SENSITIBONG BALITA

Higit p145k na hinihinalang shabu, nasamsam ng kapulisan sa tatlong lugar sa Nueva Ecija

Mahigit o kumulang Php145,000.00 na halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam ng NEPPO sa tatlong magkakahiwalay na drug bust operations noong Setyembre 21, 2022.

Ayon kay PCOL RICHARD V CABALLERO, Officer In-Charge, NEPPO, dalawang (2) lalaking drug suspect ang naaresto sa anti-illegal drug operations na inilunsad ng Cabanatuan Cabanatuan City Police Station kung saan nasamsam ang kabuuang 13.5grms ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng Php98,600.00.

Kinilala ang mga suspek na sina MARC ANTHONY BALTAZAR y Lopez, 41, lalaki, binata, katulong, at residente ng Block 3, Barangay Gen. Luna, Cabanatuan City, at CENRAD ALFORTE y Gefte, 42, lalaki, binata, construction worker, at residente ng Barangay 152, Bagong Barrio, Caloocan City, NCR.

Dinala ang mga suspek at ang mga ebidensya sa Cabanatuan City PS para sa kaukulang disposisyon.

Samantala, nasakote rin sa drug bust operation ng mga operatiba ng Gapan City Police ang isang High Value Individual (HVI), kung saan nakuhanan ang more or less 1.83grms ng hinihinalang shabu na tinatayang may halagang Php12,444.00 noong Setyembre 21, 2022 bandang 4:00 PM.

Kinilala ang suspek na si DAVE AZARCON y Lavidad @DAVE, 40, may asawa, tricycle driver, HS Undergraduate at residente ng Ramos Street, Barangay Sto Nino, Gapan City na Regional Priority Target, PDEA Target List at High Value Individual.

Ang mga nasabat na ebidensya ay isinumite sa Nueva Ecija Provincial Forensic Unit (NEPFU) Cabanatuan City para sa laboratory examination, habang ang naarestong suspek ay isinailalim sa drug test examination at inquest proceedings sa Paglabag sa RA 9165 sa harap ng Office of the City Prosecutor- Gapan City.