Mamimili, mapapamura sa mahal ng presyo ng asukal
Kung ang mga mamimili dito sa palengke ng Cabanatuan ay naghahanap ng murang presyo ng asukal, nako baka eka nga baka mapapamura ka nalang dahil sa taas parin ng presyo ng asukal ngayon dahil ang puting asukal ay nasa P90 per kilo at sa brown sugar naman ay nasa P70.
Pero dahil bawal nga mag mura dito sa palengke ay mapapailing ka nalang at buntong hininga, lalo na ang mga nanay na isa sa pangunahing kailangan sa bahay ang asukal. Lalo na kung papaano pagkakasyahin ang budget.
Dahil halos lahat ay mataas ang presyo ng bilihin ngayon.
At ito pa mukhang inaasahang tataas pa ito pagdating ng kapaskuhan.
Lalo na sa taas ng demand pag dating ng peak season at sa taas ng demand ng supply. Dahil sa ngayon ang puting asukal ay umaabot na sa p4200 isang sako nito.
Ang dahilan umano ng pagtaas ng presyo ng asukal ay dahil na rin sa taas ng production cost nito.
Presyo ng
Baboy liempo P340 laman 320
Manok P200
Atay balonbalonan P200
Bangus P220-240
Galunggong 240
Frozen P200
Tilapia 180
Live tilapia maliliit P120
Langonisa P340
batutay P330