Abalang abala si Jaime Santos, punong guro ng sekondarya sa Talabutab National High School ng aming datnan na tumutulong sa paghahanda sa mga silid aralan para sa darating na pagbubukas ng klase sa susunod na linggo.

Labis ang kanyang pasasalamat sa maagang handog na natanggap mula sa pamahalaang panlalawigan, na anim na timba na pintura para sa re-paint sa mga pasilidad.

Kasabay ng Nationwide Brigada Eskwela 2018 ay ang blessing at inauguration ng kanilang  newly constructed 3 storey Building, Industrial shop, at Museo English Park ng Talabutab Norte National High School.

Samantala pressured naman ang mabilis na tugon ni Quirino Antonino Jr, isang guro sa Fort Magsaysay National High School, ng aming tanungin patungkol sa nalalapit na pasukan.

Masayang ibinahagi din nito na mapalad ang kanilang paaralan na maagang nakatanggap ng handog na labing dalawang timba ng pintura mula sa pamahalaang panlalawigan.

Layunin ng Brigada Eskwela ang pagsasama ng mga kabilang sa paaralan para sumali at ibahagi ang kanilang oras at pagsisikap upang maging handa ang paaralan para sa nalalapit na simula ng pasukan sa unang linggo ng Hunyo.

Ang tema ngayong taon ay pinamagatang “Pagkakaisa para sa HANDA, LIGTAS at MATATAG na paaralan tungo sa magandang kinabukasan”.-Ulat ni Getz Rufo Alvaran.