SENSITIBONG BALITA:
Nagpanggap na customer, nang-holdap sa gasolinahan sa Jaen
Isang insidente na naman ng hold up ang naganap sa isang gasolinahan noong Setyembre 21, 2022 bandang 7:10 PM sa Brgy. Ocampo Rivera, Jaen, Nueva Ecija.
Base sa ulat ng Nueva Ecija Police, nagpanggap na customer s a658 FUEL REFILING STATION ang hindi pa kinikilalang suspek na nagdeklara ng hold up habang nakatutok ang baril sa pump attendant na kinilalang si Crist Ann Manalang.
Matapos maiabot sa suspek ang pera na nasa kabuuang P10,000.00 ay mabilis itong tumakas sakay ng isang itim na Honda Click.
Sa isinagawang Intelligence and Investigation ng istasyon ng pulisya ng Jaen kasama ang NEPPO Provincial Intelligence Unit, 303rd Regional Mobile Force Battalion, at 1st Provincial Mobile Force Company, NEPPO na naglunsad ng follow up hot pursuit operation na humantong sa pagkakaaresto sa suspek sa Barangay Sapang, Jaen, Nueva Ecija bandang 8:10 PM kinabukasan, Setyembre 22, 2022.
Nakuhang ebidensya sa suspek ang isang baril na may bala, tatlong (3) heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng puting crystalline substance na pinaniniwalaang “shabu”, iba’t ibang drug paraphernalia, motorsiklo, cellphone, at Granada.