SENSITIBONG BALITA:
39 anyos na suspek para sa kasong statutory rape huli sa bayan ng Talavera
Nagresulta sa pagkakaaresto sa Rank no. 1 Most Wanted Person para sa Statutory Rape sa Bayan ng Talavera, ang Manhunt Charlie Operation ng NEPPO noong madaling araw ng Setyembre 20, 2022.
Kinilala ang suspek na si GEREMIAS GROSPE, y Binuya, 39-anyos, may asawa, residente ng Barangay Baluga, at naitala bilang Rank No. 1 Most Wanted Person sa Bayan ng Talavera.
Ayon kay PCOL RICHARD V CABALLERO, Officer-in-Charge, NEPPO dakong 9:40AM nang magsagawa ng operation ang mga operatiba ng Talavera MPS sa ilalim ng pangangasiwa ni PLTCOL RANNY G CASILLA, OIC sa Barangay Baluga, Talavera, Nueva Ecija, na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.
Ang akusado ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest para sa two counts ng Statutory Rape o panghahalay sa menor de edad sa ilalim ng Art. 266-A (1d) kaugnay ng Art. 266-B (5) ng RPC na walang piyansa.
Nasa ilalim ng kustodiya ngayon ng Talavera MPS ang akusado.
Dagdag ni PCOL CABALLERO na ang kampanya ng Nueva Ecija Police Force laban sa most wanted persons ay magpapatuloy sa paakikipagtulungan sa komunidad alinsunod sa direktiba ng PBGEN CESAR R PASIWEN, PRO3 Acting Regional Director.