SENSITIBONG BALITA
Kalansay ng tao, natagpuan sa bayan ng Lupao
Nagsagawa ng Special Intelligence Operation noong Setyembre 7, 2022 bandang 9:00AM, ang Intelligence Operatives ng 2nd PMFC sa pakikipag-ugnayan sa PIU-NEPPO, 84IB 7ID PA, at Lupao MPS (Support Unit) na nagresulta sa pagkadiskubre ng mga diumano’y kalansay ng tao na biktima umano ng summary execution ng Communist Terrorists Group sa Sitio Palmasyan, Brgy. San Isidro, Nueva Ecija.
Base sa report ng kapulisan, ang nasabing operasyon ay kaugnay ng mga isiniwalat ni alias KA BONG, na dati umanong miyembro ng CPP/NPA bilang Platoon Commander, Yunit, Guerilla Member, at Regional Courier sa Central Luzon noong 1987 to 1996, bago siya sumuko noong Marso 4, 2021.
Ibinunyag rin nito ang pagbitay ng CPP-NPA ang isang alyas LOPE na landlord mula sa Zone 7, Sto. Niño 3rd, San Jose City, Nueva Ecija, na inilibing sa bulubunduking bahagi ng Sitio Palmasyan, Brgy. San Isidro, Lupao, Nueva Ecija.
Hiniling naman ng 2nd PMFC ang tulong ng SOCO para iproseso ang pinangyarihan ng krimen.