Pang-ulam, pangpulutan o tamang food trip lang, sagot na yan ng Cornelio’s Grill House, presyong hindi mahal pero ang sarap ay tiyak na malalasap. Mouth watering na lechon manok, crispy pata, liempo at sisig ay tikman na, bisitahin ang kanilang pwesto sa Brgy. Marcos, Talavera, Nueva Ecija.