Highway Patrol Group, pinababantayan ang mga sasakyang walang plaka dahil sa umano’y pandurukot ng puting van

Ayon Kay HPG Nueva Ecija Provincial Chief PMAJ Karl Eliseto Subere ,mahigpit ang kanilang implementation sa pagpapatupad ng No plate No travel policy, lalo na sa paggamit ng improvised plate na ginagamit sa mga illegal na gawain at kriminal na aktibidad.

Nilinaw naman ni Subere na walang katotohanan ang mga kumakalat umanong puting van na nangunguha ng mga babae.

At mariing utos sa kanila ni PNP Chief Azurin na magsumbong sa kanilang tanggapan sa mga gumagawa ng mga fake news para lamang makakuha ng maraming likes at maging viral ang kanilang post.

Naniniwala si Azurin na ang epektibong paraan para makontra ito ay sa pamamagitan ng pakikipag-koordinasyon sa Land Transportation Office (LTO) para mapagtibay ang kampanya kontra sa mga insidente ng carnapping.

Pinayuhan din niya ang publiko na agad ireport sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya sakaling makakita ng mga kahina-hinalang mga sasakyan upang agad makaresponde ang kapulisan.