Nagsimula nang makatanggap ng P1,000.00 na ayuda ang mga pinakamahihirap na pamilya noong isang linggo.
Ito ay unang bugso ng targeted cash transfer na ipinangako ng Duterte administration noong Marso kung saan makakakuha ang mga ito ng P500.00 kada buwan sa loob ng anim na buwan na sinimulan na noong buwan ng Abril hanggang sa Setyembre ngayong taon.
Dahil sa tumataas na presyo ng mga pangunahing bilihin ay ipinag-utos ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na taasan ang cash aid ng mahigit labindalawang milyong benepisyaryo sa ilalim ng targeted cash transfer na kinabibilangan ng apat na milyong 4Ps beneficiary, anim na milyong benepisyaryo ng Unconditional Cash Transfer Program at social pensioner habang 2.4 million naman ang nasa listahan ng Department of Social Welfare and Development na hindi nakasama sa dalawang kategorya.
Isa si Maricel Silva sa mga 4Ps member mula sa Gabaldon, Nueva Ecija na nakatanggap na ng isang libong piso na pumasok sa kanyang Landbank cash card na lubos niyang ipinagpapasalamat sa gobyerno sa ilalim ng pamumuno ni dating Pangulong Duterte.
P6.2 billion pesos na ang naunang nailabas na pondo para sa programa kaya nasa anim na milyong benepisyaryo pa lang ang nakakatanggap ng cash aid.
Php 500 na ayuda kada buwan, nagsimula nang matanggap ng mahihirap na pamilya
