Matagumpay na naidaos ang kauna-unahang Indigenous People Cultural Celebration na ginanap sa lumang munisipyo ng bayan ng Laur noong Martes, October 22, 2019.

Anim na tribu sa naturang bayan ang nakiisa sa pagdiriwang ang Ibaloi, Kalanguya, Aplai, Bago at Kankanaey sa Brgy. San Isidro at Brgy. Sagana.

Suot ang katutubong kasuotan ay pumarada ang mga tribu sa kabayanan ng Laur at pagkatapos ay nagsagawa ng maikling programa kung saan ipinamalas nila ang kanilang mga katutubong kanta at sayaw.

Sa mensahe ni National Commission on Indigenous People o NCIP – Nueva Ecija Provincial Officer Donato Bumacas, sinabi nito na isang maksaysayang pangyayari ang 1st Laur IP Cultural Celebration dahil sa buong bansa ay ditto lang sa lalawigan mayroong municipal celebration para sa mga katutubo: una sa Bayan ng Carranglan, ikalawa sa Bayan ng Rizal at ikatlo ang Bayan ng Laur.

Nanawagan din si Bumacas sa mga katutubo n asana ay pangalagaan at panatilihin ng mga ito ang kanilang kaugalian upang maipakita ang ganda ng kultura at maipasa ito sa mga susunod na henerasyon.

Inanyayahan naman ni Dr. Bumacas ang mga IPs na dumalo sa ikatlong taon ng Padit-Subkal Festival na gaganapin sa Nueva Ecija Convention Center sa October 29, 2019 kung saan ibibida ang iba’t ibang mga kaugalian ng mga katutubo at may mga rpograma rin na itatampok na makatutulong sa pag-unlad ng pamumuhay ng mga ito. –Ulat ni Jessa Dizon