Sa kaugnay na balita, umabot na sa Php 1.7-M ang naipong singilin ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija sa share nito sa total electricity sales ng First Gen Hydro Power Corporation.

Sa ikalabing apat na regular na sesyon ng Sangguniang Panlalawigan ay inaprubahan sa unang pagbasa ang pagbibigay ng otoridad kay Governor Aureliuo Umali na pumasok sa isang Memorandum of Agreement upang masingil na ng provincial government sa First Gen Hydro Power Corporation ang bahagi nito sa kabuuang electricity sales ng naturang kumpanya.

Pantabangan Dam – isang hydroelectric powerplant na pinangangasiwaan at pagmamay-ari ng First Gen Hydro Corporation

Aabot sa Php 1.7-M ang sisingilin ng PGNE sa nasabing kumpanya na naipon mula taong 2005 hanggang 2018.

Sinabi ni Provincial Treasurer Cherry Rivera, ang share ng kapitolyo sa total electricity sales ng First Gen Hydro Power Corporation ay one (1) centavo per kilowatt hour (kwh).

Ani Rivera, 50% ng Php 1.7-M ay gagamitin sa mga proyekto ng pamahalaang panlalawigan na may kinalaman sa pangkabuhayan at ang natitirang 50% ay para naman sa pangangalaga ng kagubatan, pagsasaayos ng daluyan ng tubig at iba pa. –Ulat ni Jessa Dizon