
Dumagundong ang hiyawan para sa Wesleyan University Philippines Riders sa pagbubukas ng Nueva Ecija Collegiate Sports League Season 8 matapos nilang i-uwi ang kampeonato sa Dance Sport at tanghalin ang kanilang pambato na si Giezelle Domingo bilang Miss NECSL Season 8.
Pinaglabanan ng walong mga binibini mula sa Wesleyan, MVGFCI, Midway, NEUST, OLSCHO,ELJ, CRT, CIC at CGCI ang Miss NECSL.

Kung saan tinanghal na Miss NECSL Season 8 si Giezelle Domingo ng WU-P na nakapag uwi ng tropeo at 5 thousand pesos cash prize.

Si Cassandra dela Cruz ng CRT naman ang tinanghal na 1st runner up at nakakuha ng tropeo at cash prize na nagkaka halaga ng 4 thousand pesos

Second Runner up naman si Kaye Macaila Bagan ng NEUST na nakatanggap ng tropeo at 3 thousand pesos.
At consolation prize naman para sa ibang kandidata na nagkakahalaga ng 1 thousand pesos.

Naging emosyonal si Lenerly Mababa at Jerwin de Jesus ng manalo ang Wesleyan University dahil ito na ang huling taon na sila ang magiging representante ng Dance Sport bago sila maka-graduate. Anila magandang oportunidad ang NECSL upang maipamalas ng mga estudyante ang kanilang talento sa iba’t ibalang larangan ng sports.
Pinaalalahanan rin ni Lenerly sa magiging representante sa sususnod na season na pagbutihan at wag hayaang mawala sa WU-P Riders ang kampeonato sa Dance Sport.

Bukod sa tropeo ay nakatanggap rin ang mga nanalo sa Dance Sport ng cash prizes, twelve thousand pesos para sa kampeon, ten thousand pesos naman para sa CRT Blue fox na nakuha ang 2nd place, eight thousand pesos para sa CIC Kings na nakuha ang 3rd place at three thousand pesos naman ang consolation prize.


Pumanig man sa Riders ang pagbubukas ng NECSL ay patuloy pa rin ang laban ng sampung koponan para sa Mens Basketball at Women’s Volleyball kung saan namayagpag sa nakaraang season ang NEUST Phoenix.
Hawak naman ng CLSU green Cobras ang titulo bilang Mens Volleyball Champion na tatlong taong pinaghaharian ng Cobras. – Ulat ni Amber Salazar