Sa Ika-siyam na Regular Session ng Sangguniang Panlalawigan ng Nueva Ecija ay inaprubahan ng mga miyembro ang pagpasa ng isang ordinansa upang opisyal na maideklara ang “Araw ng mga Kawani ng Pamahalaan ng Probinsiya” tuwing ika-anim ng setyembre taon-taon.

Ang kahilingan ay nagmula kay Gov. Aurelio Umali na layunin na mabigyang pagkilala ang mga kawani na nagseserbisyo sa local government agencies, national government offices, state universities at colleges sa Nueva Ecija.
Ito ay kaugnay din ng kahilingan ng Civil Service Nueva Ecija Field Office, kalakip ang resolusyon ng Nueva Ecija Council of Personnel Officers (NECPO), Nueva Ecija Water District Association (NEWDA) at Nueva Ecija Personnel Officers Association Districts Inc. (NEPAWD).
Sa mosyon ni Bokal Joseph Ortiz ay pinagtibay ang naturang panukala.
Paliwanag ni Vice Gov. Anthony Umali, ang nasabing pagdiriwang ay iba sa selebrasyon ng mga araw ng kawani na isinasagawa tuwing araw ng Nueva Ecija.
Paglilinaw pa ni Vice Gov, ang pagdiriwang ay hindi nangangahulugan na ang nasabing araw ay ikokonsiderang holiday o special non-working holiday. –Ulat ni Danira Gabriel