Maaaring makaapekto sa kalusugan ng isang bata ang sobrang paglalaro gamit ang mga digital gadget tulad ng smartphone, tablet at iPad.

Sa Southeast England, isang apat na taong gulang ang naitalang pinakabatang digital addict sa Britanya dahil sa pagkakalulong sa digital games gamit ang ipad ng kanyang magulang.

Sumasailalim ngayon ang naturang bata sa digital detox sa clinic ni Dr. Richard Graham sa London matapos kakitaan ng widrawal symptoms na gaya ng dinaranas ng isang adik sa alkohol at droga.

Gagastos ng 16,000 pound o halos 1-milyong piso para sa digital detox program.

Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), dapat ay limitado lamang ang oras ng pagpapagamit ng digital gadget sa mga bata.

Readatmore: https://www.untvweb.com/news/digital-gadgets-maaaring-makasama-sa-kalusugan-ng-mga-bata-dswd/