Kapos ang supply ng anti-rabies vaccine sa bansa mula pa noong buwan ng Enero, ayon sa Department of Health (DOH).
Paliwanag ng DOH, isang malaking kompanya kasi ang nakitaan ng impurities sa kanilang ginagawang vaccine kaya kinailangan itong i-pullout sa lahat ng ospital at klinika na nagresulta ng global shortage sa supply ng anti-rabies vaccine para sa tao.
Base sa datos ng DOH, 186 na ang namamatay sanhi ng rabies mula Enero hanggang Agosto 2018. Mas mataas ito sa 177 noong nakaraang taon 2017.