Nagbigay ng dalawang araw na training ang PDRRMO at BFP-Nueva Ecija sa NIA-UPRIIS Cabanatuan City kaugnay ng National Disaster Resilience Month.
Itinuro ng NIA ang Disaster Preparedness, Standard First Aid, Basis Life Support at Earthquake Drill kung saan nasubok ang kahandaan ng mga empleyado.
Taun-taon isinasagawa ang ganitong pagsasanay, tuwing buwan ng Hulyo para maging alarma at laging handa sakaling magkaroon ng sakuna.
Bukod dito, nagkaroon din ang PDRRMO ng dalawang araw na pagsasagawa ng Water Search and Rescue Refresher Training sa bayan ng Dingalan para sa parating na tag-ulan.
Marami pang mga paghahanda at aktibidades ang isasagawa ng PDRRMO, kabilang na dito ang pag-eensayo sa mga kalalakihan sa bayan ng San Antonio.
Katulong naman ang Local Disaster Risk Reduction and Management Office o LDRRMO sa paghahatid ng impormasyon patungkol sa Disaster Risk Reduction sa bawat munisipyo sa buong probinsya.
Hinihikayat ni PDRRMO Chief Michael Calma ang publiko na lamahok sa mga training at drill upang maging handa ang inyong mga sarili at pamilya kasaling dumating ang anumang sakuna.- Ulat ni Myrrh Guevarra