Handa na ang mga gamit eskwela na nakatakdang ipamahagi ng pamahalang Panglungsod ng Gapan sa pangunguna ni Mayor Emerson Pascual, para sa lahat ng mga estudyante ng mga pampublikong paaralan sa naturang lungsod.

Pagkakalooban ng libreng school supplies ng Pamahalaang Panglungsod ng Gapan ang lahat ng mga mag-aaral na Gapawenyo sa pagsisimula ng balik eskwela.

Ang mga bags na pang college at pang elementarya na ipamamahagi ay naglalaman ng notebooks, papel, krayola, ballpen at lapis.

Ang pamamahaging ito ay taunang proyekto ng Lungsod ng Gapan para sa mga kabataang mag-aaral.

Ayon kay Mayor Emeng Pascual, layunin ng programa na makatulong upang makapagtapos sa pag-aaral ang bawat kabataang Gapawenyo.

Mensahe ni Pascual, na ang lahat ng ito ay para sa kinabukasan ng mga kabataan sa Gapan.

Bukod pa sa mga ipinamamahaging school supplies ay mayroon ding ipinatayo si Mayor Emeng na Gapan College building kung saan libre din ang matrikula.

Ang mga ipinamahaging school supplies ay na nakalagay sa plastic enevelop na magagamit ding lalagyan ng mga aklat at naglalaman ito ng notebooks, pencil, crayons, at paper.

Kaya naman masayang – masaya ang mga batang mag – aaral na nakatanggap ng gamit pang eskwela sa naturang paaralan.

Samantala, sa kaugnay na balita nagpamahagi rin ng 200 gamit pang – eskwela ang SK Chairman na si Jerome Ramos kasama ang mga nagwagi sa Mutya ng Sinasajan 2019 sa Kapitan Pedro Villanueva Elementary School sa bayan ng Peñaranda kahapon June 3, 2019 sa unang araw ng balik eskwela. – Joice Vigilia/ Getz Rufo Alvaran