Mahigit sa 500 Gift Kits ang ipinamahagi ng mga Pinoy na miyembro ng Free Masonry Park Lodge No. 516 na mula sa New York sa pagbabalik nila ngayong taon sa Pilipinas upang muling magbahagi ng tulong sa mga pasyente ng ELJ at PJG Hospital sa Nueva Ecija.

Ang bawat kit ay naglalaman ng basic needs ng mga pasyente kagaya ng thermometer, saline drop o bulb syringe, alcohol at marami pang iba.

Ayon kay Bong Belmonte miyembro ng kapatiran, bukod sa Gift Giving ay nais na rin nilang palawakin ang kanilang pagbibigay tulong sa mga kapwa Pinoy.

Kagaya ng pagtulong sa mga biktima ng sunog, pagsuporta sa programang Silid Aralan at pagsasagawa ng Fund Raising Activity upang makalikom ng pondo para ipangtulong sa mga pasyente na may throat cancer.

Bukod dito, hangad din ng kapatiran na magkaroon ng mas malalim na ugnayan sa dalawang pampublikong ospital upang magsagawa ng trainings at seminars para lalong matulungan na mapalawak ang kaalaman ng mga Novo Ecijano pagdating sa usaping kalusugan.

Kaya naman, lubos ang pasasalamat ng ELJ sa pagbabahagi ng tulong ng kapatiran.

Layunin ng taonang aktibidad na maibahagi ang mga biyayang kanilang natatanggap sa araw-araw sa pamamagitan ng pag-abot sa mga kababayan nating nangangailangan ng tulong medikal. –Ulat ni Danira Gabriel