
Ipinagdiwang ang ika –labing limang taong anibersaryo ng Tau Gamma Phi-Nueva Ecija Provincial Council na may temang ‘Excellence is the new Supremacy’ na ginanap noong April 14, 2019 sa Dinarayat, Talavera.

Ito ang kauna-unahang nag-host ang bayan ng Talavera kung saan kabilang sa pangunahing bisita ay ang unang Governor General ng Kapatiran sa na si Doc. Anthony Umali taong 2004.

Sa aming panayam kay Agusto Rey Anthony Laurena, kasalukuyang Governor General ng Nueva Ecija Provincial Council, ang naturang selebrasyon ay bilang paggunita sa pagkakatatag ng konseho sa lalawigan, pagpapakita pagkakaisa at katatagan ng kapatiran sa lalawigan.

Dagdag nito, ang tema ay hango at pagpapaalala sa kanilang mga kapatid na nagbuwis ng buhay upang mapanatiling supremo ang kapatiran at buhay ang samahan.
Hindi man aniya maiwasan na may negatibong konotasyon at imahe sa kapatiran ay marami rin naman aniyang mabubuting nagagawa ang samahan.

Layunin nito na mapanitili ang pagiging isang mabuti at kapaki-pakinabang na mamamayan sa komunidad ng bawat miyembro sa pamamagitan ng pagtulong at pagsasakatuparan ng adhikain at mga proyekto.
Sa kasalukuyan ay nasa higit apat na libong miyembro na ang Tau Gamma Phi sa lalawigan.
Ang Chapter at Council na nakiisa sa selebrasyon ay ang District 1: Guimba, Cuyapo, Licab, Aliaga, Sto. Domingo at Talavera. District 2: San Jose, Muñoz, Lupao at Talugtug, District 3: Cabanatuan, Sta. Rosa, Palayan, Pantabangan at Laur at sa District 4 naman ay ang Gapan, General tiñio at Cabiao.-Ulat ni GETZ RUFO ALVARAN