Itinanghal bilang Sibuyas King and Queen 2019 ang parehong pambato ng Barangay Santor na sina Justin Marcelo at Crizza Nina Andres.
Mula sa tatlumpung kandidato at kandidata ay nanalo sina Justin Marcelo at Crizza Nina Andres na parehong nagmula sa Brgy. Santor, Bongabon, Nueva Ecija sa ginanap na Sibuyas King and Queen 2019.
Bukod dito ay nakuha rin ng dalawang kampeon ang Best in Production Number, Formal Attire, Creative Attire, Best In Talent, Ms. Online Sweetheart at Mr. Photogenic.
Habang itinanghal naman bilang Turismo King at Queen sina Jan Herald Fajardo ng Barangay Sinipit at Norwida Adjarail na nagmula rin sa Barangay Santor.
Ekonomiya King and Queen sina Ivan Porlage ng Santor at Angela Abungan ng Barangay Curva.
Hari at reyna naman ng Kultura sina Rian Cajucom ng Barangay Sisilang at si Ana Melizza Escuadro ng Barangay Vega.
Wagi naman bilang King at Queen ng kapayapaan sina Charles Jayson Andres ng mula sa Barangay ng Santor at Marianne Fabro ng Barangay Labi at nakuha rin nila ang award bilang Mr. at Ms. Deportment 2019.
Ang ilan ay maswerteng nagkamit din ng minor awards na Best in Casual Attire, Best in Formal Attire, Best in Production Number, Best in Swimwear, Best in Talent at marami pang iba.
Ang pinagbasehan ng mga hurado ay ang mga lumutang sa pagrampa na mga kalahok suot ang kani – kanilang costumes sa casual attire, swimwear, sportswear, long gown at patalinuhang pagsagot sa patimpalak.
Ang programa ay bahagi ng pagdiriwang ng Sibuyas Festival, na naglalayong ipakita ang kagandahan at talento ng mga kabataan ng Bongabon at itaguyod ang ilang mga adbokasiya na makatutulong sa komunidad.