Isinigaw ng mga progresibong grupo ang kanilang saloobin kasabay ng kanilang paglakad papunta sa iba’t-ibang lugar ng bayan ng Guimba upang ipahayag ang kanilang  mga suliranin ukol sa lupa at karapatang pantao.

Isa rito ang paghingi nila ng hustisya sa pagpaslang kay Fr. Marcelito “Tito” Paez na kilala bilang advocate ng social justice at nakikipaglaban para sa karapatan ng mga naaapi.

Ayon kay Elmer Dayson, secretary general ng Alyansa ng mga Magbubukid sa Gitnang Luzon, ikinababahala nila ang ginawang pagpatay kay Fr. Tito.

Kabilang din dito ang kanilang panawagan sa kawalan nila ng hanap-buhay dahil sa pagpasok ng reaper harvester.  Aniya, marami ang nagugutom dahil walang pinagkakakitaan ang mga manggagawang bukid. Apila ng mga ito, ay    Dagdag pa ni Lopez, hiling nila na magkaroon ng bahagi ang mga manggagawang bukid at maliliit na magsasaka sa 2018 annual budget na umaabot sa halagang P300M.

Samantala, ang isinagawang peace rally ay bahagi ng paggunita sa International Human Rights Day.