MANILA, Philippines — Natutunan umano sa “Momo challenge” at sa panonood ng mararahas na krimen sa YouTube ang ginawang pagbalat sa mukha ng 16-anyos na si Christine Lee Silawan ng Cebu City.
Ito ang inamin ni Renato Payuman Llenes alyas Renren, 42, ng Brgy. Bangkal, Lapu-Lapu City matapos iharap sa media ni PNP Chief Gen. Oscar Albayalde.
Kuwento ng suspek, kinaibigan niya ang biktima sa Facebook gamit ang pekeng account na CJ Diaz.