Eksaktong 8:30 ng gabi ng sabay-sabay na pinatay ang mga ilaw sa loob ng mall bilang pakikiisa sa Earth Hour ngayong taon na may temang “Biodiversity” bilang simbolo ng pakikiisa para pangalagaan ang kalikasan.

Nakiisa sa naturang pagtitipon ang mga empleyado ng mall, local media, at mga Scouts sa lalawigan ng Nueva Ecija.

Ayon kay Carolyn Del Rosario Assistant Mall Manager ng SM Megacenter, ang SM Super Malls ay taga suporta ng Environmental Preservation upang maipakita at mahikayat ang publiko na pangalagaan  ang kapaligiran at endangered species.

Pahayag naman ni Maria Alexa Louise De Guzman isang girl scout student na mula sa Wesleyan University, na kahit sa maliit na bagay ay mahalaga na makatulong sa pangangalaga ng kapaligiran.

Samantala, nagpakitang gilas ang mga fire dancers ng iba’t – ibang tricks na ikinatuwa at napamangha ang mga manunuod.

Ito na ang ika-labing tatlong taon pagdiriwang ng Earth Hour sa buong mundo. -Ulat ni Joice Vigilia/Danira Gabriel