Sa labing anim na kandidata ng Binibining Guimba 2019 na ginanap sa Guimba Town Plaza noong March 1, 2019 ay nangibabaw ang ganda, talino at galing sa pagrampa ni Princess Joy Belen ng Barangay Bunol, bayan ng Guimba.

Bukod sa titulo ay nakuha rin nito ang Best in casual attire at Best in swimwear.

Itinananghal na 1st  runner up si candidate #14 Mia Gail Felipe, 2nd runner-up naman si candidate #11 Vernie J. Mendoza, 3rd runner-up si candidate #9 Rhobernaluz Matias at 4th runner-up si candidate #16 Mary Jurene Perez.

Iginawad naman ang minor awards. Best in production number si  candidate #1, Best in talent naman si candidate #13, Best in evening gown si candidate # 9, Best in make-up artists si candidate #6 at Best in hairstylist si candidate #14.

Nasungkit naman ng ilang kandidata ang special awards kagaya Ng Ms. Skinlight Award na nakuha ni candidate #13 , Ms. Avon naman si candidate #9 at naging Ms. Face of The Night rin, ganun din si candidate #3 na naging Ms. Face of the night rin, naging Netizen’s Choices naman sina candidate #11 at 12, Ms. Tm si candidate # 10, at Ms. Friendship naman si candidate #5.

Ms. Photogenic sina candidate #10 at 14, Ms. Telegenic naman  sina candidate #9 at 13 na parehong mula sa Rommel Garcia Digital Video and Photography at Juan Rolando Dizon  Life Through The Lense Film And Highlights.

Ayon kay Jerson Francisco Fashion Designer, sinabi nito na isang prebilihiyo ang mabihisan ang mga magagandang dilag na produkto ng lalawigan bilang kapwa niya Novo Ecijano. Ang Binibining Guimba 2019 ay bahagi pa rin ng pagdariwang ng Guimbanians ng kanilang ika-154 Founding Anniversary at Ragragsak Ti Guimba Festival.-Ulat ni GETZ RUFO ALVARAN.