Nanumpa na sa kanilang mga tungkulin ang mga bagong opisyal ng Nueva Ecija Malasakit Overseas Filipino Workers noong Lunes August 5, 2019.

Sa harap ni Governor Aurelio “Oyie” Umali nanumpa ang dalawamput tatlong bagong mga halal na opisyal ng Malasakit OFW Center na ginanap sa New Capitol, Palayan City.
Layunin ng Malasakit OFW Center at ng Provincial Government na matulungan ang mga Novo Ecijanong OFW na hindi pinalad sa pangingibambansa.
Kabilang sa suporta ng Malasakit OFW Center ay ang libreng serbisyong medikal, financial assistance na magagamit pangpuhuan para makapagsimula ng hanap-buhay.
Bukod sa financial assistance na tulong ng Provincial Government ay maari ring makatanggap ang mga OFW na nakaranas ng pandarahas sa kanilang amo ng Livelihood assistance na galing sa Overseas Workers Welfare Administration at Department of Labor and Employment.
Ayon kay Rodelio C. Ruben Pangulo ng Malasakit OFW Center, itinatag ang naturang Center noong February 2017 sa ilalim ng pamumuno ni Former Governor Czarina “Cherry” Umali at ipinagpapatuloy ng kanyang asawa na si Governor Oyie Umali para makatulong sa mga kababayan na naapi sa ibang bansa.
Pahayag pa ni Ruben na marami nang Novo Ecijanong napauwi sa pamamagitang ng Malasakit OFW Center, katulad ng limang bangkay nagmula sa iba’t – ibang bansa.
Para sa mga OFW na may problema sa inyong employer at nangangailangan ng tulong, maaari kayong tumawag o magtext sa 0915 – 871 – 9407 o magtungo sa kanilang tanggapan sa Old Capitol, Cabanatuan City. Ulat ni Joice Vigilia/ Shane Tolentino