Nagwagi ang Optimus prime inspired na Tricycle sa isinagawang Trike Show ng Pamahalaang Panlalawigan na ginanap sa Freedom Park kasabay ng pagdiriwang ng 69 th founding anniversary ng Cabanatuan City.
Agaw-pansin ang mga naglalakihang speaker at mala-truck na disenyo ng Optimus Prime sa 34 na tricycle na lumahok sa ginanap na Trike Show ng pamahalaang panlalawigan noong Linggo, February 3, 2019.
Bukod sa tropeyo, naiuwi rin nito ang Best in Head and Tuner, Best in Engine Display at Best in Unique Set-up.
Wagi rin sa nasabing kompetisyon ang Tongka na pagmamay-ari ni Joseph Santos mula sa lungsod ng San Jose bilang 1st runner – up, Best in Low Bass, Best in Loud and Clear at Best in Graphics.
Habang nakuha naman ni Reynan Bigote ang 2nd runner-up, Best in Interior at Best in Extreme Modified.
Ayon sa organizer ng Trike Show , miyembro ng Team Mandirigma na si Joseph Roque, kahit hindi pang pasada ang kanilang mga motorsiklo ay maaari pa rin na makapag pasaya ng mga tao lalo’t kapag ito ay kanilang pinatutugtug.
Dumalo rin ang Team Save Cabanatuan na si Vice Mayor candidate Gave Calling at mga tumatakbong konsehal sa partidong Unang Sigaw na sina Allen Tolentino, Epoy Fernandez, Jubal Esteban,Glenn Calling, Ambot Del Mundo at Janjan Cecillio.
Labis ang pasasalamat ng mga Tricycle Driver sa Pamahalaang Panlalawigan dahil sa suportang ibinigay nito para maisagawa ng maayos ang naturang show para sa mamamayan ng Cabanatuan maging sa buong lalawigan.