Nagsagawa ng Stipend Distribution o tulong pinansyal ang Pamahalaang Panlalawigan para sa tatlong daan at sampung estudyante ng CLSU bilang suporta sa kanilang pag – aaral na ginanap  kahapon February 6, 2019 sa Tan Hall ng naturang unibersidad.

Isa sa mga first time na nakatanggap ng 2500 pesos worth of cash si Liberty Mangaran, first year college na may kursong pang-agrikultura .

Aniya ay pinagpala siya dahil may ipambibili na siya ng mga gamit sa eskwela at malaking tulong din ito sa kanyang mga gastusin.

Tuwa naman ang naramdaman ni Jaimee Benemerito na isa ring iskolar dahil sa ganitong programa ng  Pamahalaang Panlawigan na nagmamalasakit at kumakalinga sa mga estudyanteng tulad nila na kinakapos ng pantustos sa pagaaral.

Kaya labis ang naging pasasalamat ng mga estudyante ng CLSU sa PGNE sa tulong na kanilang ipinaabot sa mga ito lalo’t ito’y magagamit sa kanilang pag –aaral.

Samantala, ngayong araw ay mamahagi ang PGNE sa mga mag-aaral ng NEUST Peñaranda na gaganapin sa Moonyen Resort sa naturang bayan na magsisimula sa ganap na ika-siyam ng umaga.

Sa February 8 naman ay sa ELJ Memorial College na sisimulan ng alas nuebe ng umaga hanggang tanghali at sa ganap na ika-dalawa ng hapon ay sa NEUST Sumacab naman.