Hindi nagpatinag sa patuloy na pag ulan ang mahigit 317 siklistang kalahok sa Sikad Novo Ecijano 2018 na isang kompetisyon na inihanda ng Pamahalaang Panlalawigan para sa mga siklista ng Nueva Ecija.  Sa taong ito ay mas dumagdag pa ang dami ng mga siklista at umabot sa mahigit 317 ang nakilahok para sa apat na kategorya ng patimpalak.

317 siklista mula Nueva Ecija, nagtipon-tipon para sa Sikad Novo Ecijano 2018

Lumahok ang mahigit  50 katao para sa Masters category para sa mga bihasang siklista, 47 para sa amateur at may sariling kategorya din ang mga Senior na nilahukan ng mahigit  23 katao. Pinaka marami naman ang lumahok sa beginner  category na pumalo sa mahigit  194 katao.

Dumagsa ang mga siklista na ang karamihan ay may mga sariling team at grupo at ayon sa kanila ay isang masayang event ang Sikad novo ecijano na karamihan ay taon taong lumalahok. 

Ayon kay Carl Javier mula Cabiao nueva Ecija ng team Good Boys, mas laling lumalaki ang cyclist community sa lalawigan ng Nueva Ecija na nakikiisa rin sa Sikad Novo Ecijano.

Sikad Nueva Ecija, parte ng selebrasyon ng unang sigaw ng Nueva ecija

Halos 30 myembro ng Trangkista ang sumali sa ibat ibang kategorya ng Sikad Novo Ecijano. Taong 2016 pa nabuo ang team Trangkista na may mga myembro na edad  15-25 taong gulang.  Ayon kay Christopher ay magandang oportunidad ang Lumaki pa ang community ng  Trangkista sa Nueva Ecija at makakilala ng mga iba pang siklista.

Mahigit naman limampung katao ang sumali sa sikad mula sa tropang Magga na kinabibilangan ni Nelson. Bukod sa na e-enjoy aniya ang event, bilang isang Novo Ecijano ay sumusuporta rin sila sa patimpalak na idinaraos sa lalawigan ng Nueva Ecija.  Ilang oras ding tumagal ang kompetisyon dahil kailangang ikutin ng mga siklista ang lalawigan ng Nueva Ecija  bago makarating sa finish Line.

Nanalo ng first place  Sina  Luis Krogg ng San Antonio nueva Ecija, para sa Amateur Category, Peter Gan ng Cabanatuan City  para sa Masters Category, Rench Michael Bondoc ng Aliaga, Nueva Ecija para sa Newbie Category,  Emiliano Hipolito ng Cabanatuan City para sa Senior Division, Bukod dito ay binigyan rin ng parangal sina Fernando Valiente ng San Jose City na Oldest Cyclist at John Ashley Antonio ng General Mamerto Natividad na Youngest cyclist.

Ang mga first place ay nakatanggap ng mahigit 10,000 hanggang 15,000 libong piso, 7 thousand hanggang 10 thousand para sa Second place 4 – 5 thousand para sa 3rd place at 1500 para sa 4th hanggang 10th place.

Ang Sikad Novo Ecijano ay isang patimpalak na nakapaloob sa selebrasyon ng Unang Sigaw ng Nueva Ecija at ito ay sinimulan noon pang panahon ni Former Governor Oyie Umali.  – Uiat ni Amber Salazar