Mainit na sinalubong ng mga tricycle drivers ng Cabanatuan City si dating Special Assistant to the President Christoper Bong Go, noong Lunes January 21, sa Nueva Ecija Police Provincial Office gym Cabanatuan City.
Kitang kita sa mukha ng mahigit isang libo apat na raang tricycle drivers ang saya ng makapiling at makamayan si dating SAP Bong Go ng dumating ito sa NEPPO gym upang sabayan sa isang boodle fight ang mga driver.
Kasama ang Ina ng Lalawigan ng Nueva Ecija Governor Czarina D. Umali at ang kabiyak nito na si dating Governor Oyie Umali at si Doc. Anthony Umali ay masayang nakiisa sa kainan.
Inanyayahan ni Bong Go ang mga tricycle drivers na dumalo sa Toda Summit na gaganapin sa Cuneta Astrodome upang pagusapan at pakinggan ang bawat hinaing at hiling ng mga tricycle drivers sa buong Pilipinas.
Nagpaalala rin si Go sa mga Toda na iwasan na ang droga, dahil nakakaliit aniya ito ng utak at maaring malagay sa piligro ang buhay.
Nang amin namang hingin ang opinion na mga tricycle drivers gaya na lamang ni Ferdinand Ocampo mula sa Pamaldan, Cabanatuan City, sinabi nito, mapagkakatiwalaan si Bong Go dahil nakikita niya ang pagiging tapat nito sa pangulo.
Libreng legalisasyon para sa mga tricycle drivers ang nagustuhan ni Ericson Lasco isa ring tricycle driver na taga San Josef, Cabanatuan City.
Siniguro naman ni Joel Santos taga Barangay Palagay, na nakasuporta ang lahat ng tricycle drivers ng lungsod ng Cabanatuan kay Bong Go.
Mabait, magaling at maasahan ganyan inilarawan ng mga Cabanatuenyong tricycle drivers si dating Special Assistant to the President Bong Go.