Proud na proud ang 432 na mag-aaral ng First Semester, Academic Year Batch 2018-2019, na nagsipagtapos sa General Tinio Campus ng Nueva Ecija University of Science and Technology nitong Biyernes, ika-18 ng Enero.
Ang mga graduates ay nanggaling sa iba’t ibang NEUST Campuses sa lalawigan kabilang ang General Tinio, Gabaldon, Sumacab, San Isidro, Fort Magsaysay at sa Extended Venues naman ng Gapan, Peñaranda, Talavera, Atate at San Leonardo.
Tatlong daan at limampung mga mag-aaral ang nagsipagtapos sa mga kursong Bachelor of Science in Civil Engineering, Electrical Engineering, Mechanical Engineering, Agriculture, Industrial Education, Secondary Education, Elementary Education, Criminology, Industrial Technology, Information Technology, Business Administration, Hotel and Restaurant Management, Certificate in Building Technology and Utilities, Three Year Electronics Communications Engineering Technology, Two Year Certificate in Technical Education, Associate in Hotel and Restaurant Management at Accelerated Vocational Training Program. Habang pitumpu’t siyam naman ang sa Graduate School.
Ikinagalak naman ni Senate Committee Chairman on Agriculture and Food na si Senador Cynthia Villar ang pag iimbita sa kanya ng Presidente ng NEUST na si Doctor Feliciana P. Jacoba bilang Commencement Speaker.
Sa talumpati ng Senadora sinabi nito na ang edukasyon ay mahalagang pamana na hindi maaaring kuhanin ng sinuman at hindi mawawala, bagkus maaring pagyamanin sapagkat ito ay isang permanenteng regalo.
Ibinahagi din ni Villar na naisabatas na ang Universal Access to Quality in Tertiary Education sa Kongreso, na kung saan magiging LIBRE na ang tuition fees sa mga estudyanteng magka- qualify sa mga State Colleges at TESDA.
Paalala naman ng Senadora na ang mga mag-aaral ng NEUST ay mapapalad bilang sila ay naging bahagi ng paaralan sa patuloy na paghubog tungo sa dekalidad na edukasyon.