Nireresolba pa umano ng Provincial COMELEC of Nueva Ecija ang mga pangalan ng kakandidatong hindi maisasama sa listhan ng balota para sa darating na may election 2019.
Sa panayam kay Elvira San Juan, Election Officer III ng Bongabon, isiniwalat nito na may mga kandidatong matatanggal sa balota dahil sinampahan ng disqualification cases at pinadedeklarang nuisance candidates o panggulo lamang.
Ani pa ni Elvira base sa inihayag ni COMELEC Spokeperson Atty. James Jimenez bago ilabas ang official list of candidates na maisasama sa balota para sa may 2019 ay naresolba at nadesisyunan na ng law department ng Commission on Election ang mga kasong nabanggit.
Sa kasalukuyan, nakikipag-ugnayan na ang Provincial Comelec sa kapulisan, Electoral Board kung saan kabilang ang mga guro ng Department of Education, Department of Interior and Local Governance, Parish Pastoral Council for Responsible Voting at mga Technician na mga mamahala at magsusupervise sa eleksyon.
Iginagayak na rin ang printing ng Posted Computerized Voter’s List/ Election Day Computerized Voters Lists.
Naghahanda na rin ang COMELEC sa paglulunsad ng Gun Ban at Peace Covenant sa January 13, alas dose uno ng hating gabi para sa maayos at mapayang halalan ngayong taon.
Samantala, magsimula sa January 13 ang Election Period na magtatapos sa June 12, 2019; sa February 12 hanggang May 11, 2019 nakatakda ang Campaign Period para sa mga tatakbong Senador at Partylist, habang sa March 29 hanggang May 11, 2019 naman ang kampanyahan ng mga lokal na kandidato para sa Midterm Election.