Nagdaos ng Bingo Bonanza 2019 ang Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija sa Dr. Jose Lapuz Salonga Gymnasium sa bayan ng San Antonio, bilang bahagi ng pagdiriwang ng Tambo Festival.

Hindi mahulugang karayom ang loob ng Gymnasium sa dami ng nakiisa sa Bingo Bonanza 2019 na handog ng Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Gov.Cherry Umali, katuwang sina Mayor Arvin Salonga at Senator Jinggoy Estrada na siyang pangunahing panauhing pandangal ng naturang selebrasyon.

Sampung bultong bigas, Grocery packs, electric kettle, cellphone, tindahan showcase at isang brand new tricycle ang nag hihintay sa mga maswerteng mananalo.

Lalong naghiyawan ang lahat ng mag dagdag ng P100,000 na cash prize si Senator Jinggoy at tinambalan pa ng P100,000 mula naman sa ina ng lalawigan Governor Cherry.

Sinalubong ng hiyawan at palakpakan ang pagdating ni Senator Jinggoy kasama ang ama ng bayan ng San Antonio na si Mayor Arwin.

Sa mensahe ni Mayor Arwin Salonga, nagpapasalamat ito sa lahat ng patuloy na sumusuporta at nagmamahal sa kanya, malugod din niyang ipinakilala ang espesyal na bisita na si Senator Jinggoy Estrada.


Lubos namang tinanggap ni Senador ang mainit na pagsalubong sa kanya ng mga taga San Antonio.

Sa huli ay nakamit ni Ginang Amy Bazon Cabral, isang may bahay at may dalawang na taga Barangay Papaya, San Antonio Nueva Ecija ang grand prize na brand new tricycle.