Naniniwala ang anak ni Mary Jane dela Cruz na nagpakamatay ito dahil sa personal na problema.

Naniniwala ang anak ni Mary Jane dela Cruz na nagpakamatay ito dahil sa personal na problema.

Dalawang insidente ng pagpapatiwakal ang naitala ng mga otoridad kamakalawa sa dalawang magkahiwalay na lugar sa lalawigan.

San Isidro- Patay ang isang empleyado na nagbaril sa sarili sa barangay Malapit, bayan ng San Isidro.

     Kinilala ang biktimang si Mary Jane dela Cruz y Mendoza, 51-anyos, may asawa, reisdente ng Purok 6 ng naturang barangay.

     Ayon sa salaysay ng manugang ng biktima na si Mariz, 7:00 ng umaga habang sya ay nasa kwarto nang makarinig ng pagputok ng baril galing sa silid ng kanyang biyenan.

    Dali-dali umano niyang tsinek ang kwarto ng biktima at pagbukas nya ng pinto, tumambad ang wala ng buhay na biyenan na nakahiga sa kama.

      Narekober ng SOCO crime scene ang isang Armscor caliber .45 high capacity pistol na kargado ng labing isang bala at isang basyo ng bala ng nasabing baril

     Napag-alaman sa anak ng biktima na si Tristan Kim na asawa ni Mariz, na ilang araw bago mangyari ang insidente ay napansin niyang balisa, irritable, at stress sa trabaho at personal na problema ang kanyang ina.

Nagbaril sa ulo ang Chine National na si Marvin Gan Li sa loob ng opisina ng pag-aaring gasolinahan sa Cabanatuan City.

Nagbaril sa ulo ang Chine National na si Marvin Gan Li sa loob ng opisina ng pag-aaring gasolinahan sa Cabanatuan City.

     Cabanatuan City- Nagtamo ng tama sa ulo ang isang Chinese National matapos nitong magtangkang magpakamatay sa loob ng opisina ng pag-aaring gasolinahan sa barangay H. Conception.

     Kinilala ang biktimang si Marvin Gan Li, 42-anyos, may asawa, owner at manager ng Mega Oil Gas Station, at residente ng DRT hi-way, Baliuag, Bulacan.

     Base sa report ng pulisya, 8:45 ng umaga ng magtangkang mag-suicide ang biktima sa pamamagitan ng pagbaril sa ulo gamit ang isang caliber .38 revolver.

     Iniimbestigahan sa kasalukuyan ng Cabanatuan Police Station ang sanhi ng tangkang pagpapakamatay ng biktima.- ulat ni Clariza de Guzman.

https://youtu.be/IETTHxOhW1s