Nagpamahagi ang Provincial Government of Nueva Ecija ng educational assistance sa 146 estudyante ng Nueva Ecija University of Science and Technology – Gabaldon campus noong Huwebes, November 29, 2018.
Isa sa mga nakakatanggap ng tulong pinansyal ang iskolar na si John Patrick, Education student sa NEUST Gabaldon kung saan naging malaking tulong para sa kaniya ang nakuhang educational assistance dahil nakabawas ito sa tuition niya at iba pang mga gastusin sa paaralan.
Taos pusong pasasalamat naman ang ipinaabot ni Mary Joy na sa ring Education student sa natanggap na tulong galing sa Pamahalaang Panlalawigan.
Ang Stipend Program na sinimulan noong 2011 sa pangunguna no Former Governor Aurelio Umali at ipinagpatuloy ng kasalukuyang Ina ng Lalawigan Governor Czarina Umali ay naglalayong makatulong sa mga kabataang Novo Ecijano na maitaguyod ang kanilang pag-aaral.
Pinangunahan ni Doc Anthony Umali ang pamimigay ng cash allowance sa mga iskolar kasama si Board Member Peter Marcus Matias katuwang ang mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan.
Panawagan ni Doc Umali sa mga iskolar, sana ay gawing inspirasyon ng mga itoang istorya nilang magkakapatid na hindi naging hadlang ang dinanas nilang hirap makapagtapos lang ng pag-aaral.
Ayon sa kanya, ang paghihirap na iyon ang naging inspirasyon ng kanilang pamilya sa patuloy na pagseserbisyo at pagtulong sa mamamayang Novo Ecijano.
Pinaalalahanan naman ng kasalukuyang 3rd District Board Member Macoy Matias ang mga iskolar na pahalagahan nila ang edukasyon dahil hindi lahat ng kabataan ay nabibigyan ng pribilehiyo na makatungtong sa paaralan. –Ulat ni Jessa Dizon