Makulay at iba’t ibang uri ng Catus at Succulent plants ang i-dinisplay ng Lino Rom Collection sa harap ng Old Capitol sa ginanap na kauna-unahang Nueva Ecija meet and greet at training–seminar ng Cactus and Succulent Enthusiasts, sa Cabanatuan City noong sabado December 1.
Sa itsura at kulay pa lamang ng mga ito ay tiyak na mahuhumaling ka na at gugustuhin mag-alaga ng ganitong halaman.
Ayon kay Mr. Rom, ang pagaalaga ng Cactus at Succulent plants ay nakakatulong na magtanggal ng stress at nakaka-absorb din umano ito ng radiation.
Aniya, ang Gymnocalycium Species, Melocactus at Astrophytum ay mga uri ng Cactus na madaling alagaan at bagay sa mga baguhan na gustong mag-alaga ng halamang ito.
Paglilinaw din nito, hindi malas ang pagkakaroon ng halamang ito bagkus maaari pa nga itong pagkakitaan at pang negosyo.
Sa mensahe naman ni Doc. Anthony Umali sa kanyang speech sa pagdiriwang ng kauna-unahang Nueva Ecija meet and greet at training–seminar ng Cactus and Succulent Enthusiasts, ay ipapa-Seg. Register na umano ang grupo para maging ganap na organisasyon ito.
Sinabi din ni Mr. Rom, na the Cactus Craze is on na dito sa Pilipinas dahil parami na ng parami ang Growers, Collectors at Sellers ng halamang ito kaya naman dapat na palawigin pa ang pagtuturo sa mga ito kung papaano ang tamang pag-aalaga ng Cactus at Succulent plants.