Sumailalim sa libreng livelihood training ng Provincial Trade and Industry Office  (PTIO) ang mga residente ng brgy langla, sa bayan ng Jaen nitong Martes, October 2, 2018.

Itinuro sa kanila ang mano-manong paggawa ng dishwashing liquid at fabric conditioner.

Kung saan, sa anim na raang pisong puhunan ay pwede ka ng makagawa ng apat na pu’t walong bote na maaaring ibenta sa halagang P15 kada piraso at posible ng kumita ng P120.

Nagpahayag naman ng pasasalamat ang mga residente dahil maaari na silang magsimula ng negosyo sa maliit na puhunan at madaling paraan.

Ang libreng livelihood training ay handog ng Provincial Government ng Nueva Ecija at 4th District Board Member Nap Interior Jr. Layunin na mabigyan ng alternatibong pagkakakitaan ang mga mamamayan ng Jaen sa panahon na walang ani.

Samantala, bukod sa mga panibagong kaalaman ay nabusog naman ang tiyan ng halos limang daang estudyante ng Langla Elementary School dahil sa feeding program ng Pamahalaang Panlalawigan na Kitchen on Wheels.

Ayon kay Principal Reden Daquiz, mahalagang bagay lalo na sa mga mag-aaral na magkaroon ng sapat na nutrisyon upang makasabay at mangibabaw sa loob ng klase.

Ang Kitchen on Wheels ay patuloy na lilibot sa buong probinsya upang maghatid ng serbisyo sa marami pang mag-aaral. –Ulat ni Danira Gabriel

https://youtu.be/JUoRwhl6xjU