Kampeon ang Provincial Engineering Office sa Men’s Volleyball at Governor’s Office sa Women’s Volleyball sa Palarong Kapitolyo 2014 hatid ng ama ng lalawigan Governor Oyie Matias Umali at Congresswoman Cherry Domingo Umali sa pangangasiwa ng Provincial Sports and Youth Development Office.

Halos isang buwan ang itinagal ng Volleyball Men at Women na sinimulan noong nakaraang buwan ng Oktubre.

Mainitan ang naging laban sa Finals ng PEO o Provincial Engineering Office at ng TV48 sa Men’s Volleyball.

Sa unang set, pabor para sa Tv 48 ang naging laban.

Ngunit agad na binawian ng Engineering sa 2nd set at 3rd set dahilan ng pagiging kampeon muli ng nasabing departamento na apat na taong sunud-sunod na pinataob ang mga nakalaban.

1st runner-up ang nakamit ng TV48, 2nd runner-up ang PMTC o Provincial Manpower Training Center at 3rd runner-up ang Governor’s Office para sa Men’s Volleyball.

Samantala naiuwi ng Governor’s Office ang pagiging kampeon ngayong taon na dating hawak ng Provincial Health Office o PHO para sa Women’s Volleyball simula noong 2010.

Nakuha ng Sangguniang Panlalawigan ang pagiging 2nd runner-up at 3rd runner-up ang Provincial Social Welfare and Development Office o PSWDO para sa Women’s Volleyball.

Bukod sa Men and Women’s Volleyball, wagi para sa Badminton Men ang Jail Department bilang kampeon, PGSO para sa 1st runner-up at 2nd runner-up ang PSWDO.

Para naman sa Women’s Badminton, kampeon ang PGSO, sinundan ng PSWDO, PHO at GO.

Para sa Mixed Badminton, nasungkit ng PGSO ang kampeonato, PHO at Jail Department ang 1st runner-up at PSWDO ang 2nd runner up.

Mula naman sa Table Tennis Men, naiuwi ng ELJ ang pagiging kampeon, 1st runner-up ang Legal, 2nd runner-up ang PPDO at 3rd runner-up ang Sangguniang Panlalawigan.

Mula sa Women’s Table Tennis, nakuha ng Sanggunian Panlalawigan ang unang pwesto, pangalawa ang Governor’s Office, pangatlo ang PHO at pang-apat ang Legal.

Sa kabilang banda, patuloy pa rin ang bakbakan sa Quarter Finals ng Men’s Basketball kung saan pasok ang anim na departamento mula sa Jail, PHO/OPA, Governor’s Office (A) and (B), PNP Capitol at PEO.– Ulat ni Shane Tolentino

[youtube=http://youtu.be/jlUCpnRJSwg]