Nakapaguwi ng karangalan sa lalawigan ang anim na Atletang Novo Ecijano sa pagkakasungkit ng anim na medalya sa larong Taekwondo sa ginanap Batang Pinoy 2018.
Tatlo ang nakakuha ng gintong medalya, isang silver medal at dalawang bronze ang nakamit ng mga magigilas na Atletang Novo Ecijano.
Ang mga ito ay kinilalang sina Aikrisna Asuncion, Sharifa Vianca Dela Cruz at Marinel Burton na nakasungkit ng gold medal, silver medalist naman si Reniel Joseph Badiola. habang sina Rajany Darlyn Santos at Lowell John Lladones ang nakakuha ng bronze medal.
Ipinakita ng mga naturang manlalaro ang kani – kanilang galing , bilis at tatag sa nasabing laro na nagpatumba sa mga nakatapat nitong kalaban.
Pasasalamat naman ang pahayag ni Project Evaluation Officer II Provincial ng NE Johann Ocampo sa buong suporta na ibinigay nina Governor Czarina “Cherry” Domingo Umali, Atty. Oyie Matias Umali at Doc Anthony Matias Umali.
Umani ng pagbati ang facebook post ni Ocampo, tungkol sa mga magagaling na manlalaro ng Nueva Ecija.
Sa fb post naman ni gold medalist Rajan Darlyn Santos, ay una niyang pinasalamatan ang Panginoon, sabay sabi na “Sometimes by losing a battle you find a new way to win the war”.