Napinsala sa pagdaan ng bagyong Ompong sa Nueva Ecija ang mga pananim na palay, gulay at prutas.
Base sa estimation ng Office of the Provincial Agriculture as of September 17, 2018 na isinumite sa Provincial Disaster Risk Reduction Management Office, nasa higit dalawang bilyong pisong halaga ng palay ang nasira, dumapa at nalubog sa baha.
Bago pa man tumama si Ompong sa bansa, nagsagawa ng Pre-disaster Risk Assessment ang Provincial Disaster Risk Reduction Management Council kung saan inasahan na ng OPA na aabot sa 42% ng palay ang masasalanta ng bagyo sa lalawigan nasa reproductive stage.
Sa initial report ng mga local na pamahalaan mula sa District 1, 2 and 3 na isinumite sa PDRRMO, umaabot mahigit 63-Million pesos naman ang nasalanta sa mga pananim na prutas at gulay.
Patuloy pa ang ginagawang post disaster assessment ng mga Local and Municipal Disaster Risk Reduction Management Office kaya naman inaasahang magbabago pa ang mga nabanggit na halaga ng mga pinsala sa agrikultura.
10.8 Million pesos naman ang halaga ng nasirang imprastraktura sa ilalim ng Department of Public Works and Highways 2 Area 2.
As of yesterday, September 17, 2018 ay lubog pa rin sa baha ang limang bayan sa unang distrito; Aliaga, Guimba, Licab, Nampicuan,, Zaragoza habang tatlo naman sa ikaapat na distrito; ang mga bayan ng Cabiao, San Antonio at San isidro.
Hanggang sa isinusulat ang balitang ito ay labing-anim na pamilya pa ang nanatili sa evacuation center sa bayan ng San Isidro.- ulat ni Amber Salazar