As of 3:40 pm september 15, 2018 ay humupa na ang tubig sa Dupinga river, sa bayan ng Gabaldon na isa sa mga minonitor ng Provincial Risk Reduction Management Office dahil umabot sa critical level ang kondisyon nito alas dyes ng umaga sa kasagsagan ng bagyong ompong.

Ayon kay PDRRMO Chief Michael Calma, alas-otso ng umaga September 15, 2018 nang magsagawa ng occular inspection ang kanyang team ay naobserbahan nila ang mabilis na pagtaas ng Dupinga at Coronel river sa gabaldon na bahagi ng Upper Pampanga River.
Katulad ng inaasahan ay nagbaba ng mga debris materials mula sa Sierra Madre ang Amalungan creek sa Sitio Bateria, Bagting, Gabaldon na agad namang nirespondehan ng mga nakaantabay nang heavy equipment ng Provincial Engineering Office at Department of Public Works and Highways para sa clearing operations.

Mananatili ang mga loader, back hoe at dump trucks sa Gabaldon hanggang sa makalabas na ang bagyo at malinis na ang kalsada, sapa at ilog na madedeposituhan ng buhangin at bato galing sa bundok.

Inikot din ng PDRRMO ang Bato Ferry river sa bayan ng Laur, Bangkerohan river sa Palayan city-Bongabon boundary at ang Cabu river sa Cabanatuan City.

Sa ulat ng Provincial Social Welfare Development Office, as of 2pm September 15, 2018 ay may 5,290 food packs na nakahanda nang ipamahagi para sa mga maaapektuhan ng bagyo.

Sa tala ng PDRRMO, as of 2:00 pm, nasa 1,095 na pamilya na sa buong lalawigan ang nagsilikas sa kanilang mga tahanan at pumunta sa pinakamalapit na evacuation center sa kanilang lugar para makaiwas sa baha.

Alas kwatro ng hapon, September 15, 2018 ay mahigit kumulang dalawanlibong evacuees naman sa Nueva Ecija National High School at Lazaro Francisco Elementary School sa Cabanatuan ang naserbisyuhan ng kitchen on wheels ng pamahalaang panlalawigan ng Nueva Ecija.- ulat ni Jessa Dizon