Nairelease na ng Nueva Ecija Provincial Government Public Employment Service Office noong Sabado ika-11 ng Oktubre ang 502 pasaporte ng mga Novo Ecijano sa pakikipagtulungan ng DFA o Department of Foreign Affairs.
Ang mga naibigay na pasaporte sa NE Pacific Main Atrium ay kaugnay ng Mobile E- Passporting Serbilis Appearance and Processing na isinagawa noong ika-6 ng Setyembre.
Laking tuwa ng ilan sa mga Novo Ecijanong aming nakapanayam dahil sa malaking tulong ang ganitong klaseng programa ng pamahalaang panlalawigan.
Samantala, apatnapu’t walong pasaporte pa ang hindi natapos ng Central Bank dahil sa ilang problema at madedelay ng ilang araw bago makuha.
Pangako naman ng Hepe ng PESO na si Michael Calma na sila na mismo ang luluwas para sa mga hindi nakasama sa pagrelease ng mga pasaporte.
Sa lahat ng mga hindi nakatanggap ng passport, isa lamang ang nais iparating ng PESO Office.
Ang nasabing programa ay hatid ng ama ng lalawigan Governor Oyie Matias Umali, ina ng lalawigan at kongresista ng ikatlong distrito Congresswoman Cherry Umali at dating bokal ng ikatlong distrito Doc Anthony Umali. – Ulat ni Shane Tolentino