Tiniyak ng bagong halal na Vice Mayor ng Cabanatuan City na si Doc Anthony Matias Umali sa harap ng media pagkaraan ng kanyang proklamasyon na tutuparin niya ang mga binitawang pangako noong siya ay nangangampanya.

Kasama ni Vice Mayor-elect Doc Anthony Umali ang iba pang konsehal na nanalo sa Cabanatuan City habang binabasa ng Comelec officer ang kanyang nakuhang boto.
Ayon kay Vice Mayor Umali, ang eleksyon ay isang araw lang pagkatapos nito dapat nang magtulungan ang mga magkakatunggali sa pulitika upang maglingkod ng tapat sa mamamayan.
Pangunahin sa kanyang plataporma ang paglilingkod sa mamamayang Cabanatueño na napag-iwanan sa likod ng sinasabing progreso umano na tinatamasa ng lungsod.
Pagtutuunan ng pansin ni Vice Mayor Umali bilang presiding officer ng Sangguniang Panglunsod ng Cabanatuan ang paglalaan ng libreng serbisyong medical sa mga may sakit na aniya ay kayang tugunan ng Pamahalaang Panlungsod dahil sa 1.3 bilyong pondo nito.
Umaabot umano sa 1.3 bilyong piso ang pondo ng Cabanatuan, sapat upang makapagbigay ng libreng serbisyong medical sa mga mahihirap na nagkakasakit.

Umaabot umano sa 1.3 bilyong piso ang pondo ng Cabanatuan, sapat upang makapagbigay ng libreng serbisyong medical sa mga mahihirap na nagkakasakit.
Nangungunang ordinansa na nais niyang iwasto kung makikipagtulungan ang lahat ng mga konsehal kahit pa mula sa kabilang partido, ang libreng legalization fee para sa mga tricycle driver na sa kasalukuyan ay nagbabayad ng Php 3,500.00 hanggang Php 4,000.00 sa city hall.
Kabilang pa sa nais mga isusulong ang libreng pag-aaral sa mga kabataang nabibilang sa mahihirap na pamilya, programa sa pang-kabuhayan, pagbibigay ng 1% na bahagi ng mga senior citizen sa pondo ng city government na sa loob ng dalawampong taon ay ipinagkakait, at pagbaba ng singil sa kuryente na nagpapahirap sa mga taga-Cabanatuan.- ulat ni Clariza de Guzman