Masayang ginunita kamakailan ang pagtatapos ng dalawangdaan at siyamnapu’t limang scholars ng Municipality of General Mamerto Natividad Nueva Ecija at TESDA o Technical Education and Skills Development Authority na ginanap sa General Mamerto Natividad Gymnasium.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagkaroon ng pitong skills training courses sa isang munisipalidad lamang. Ito ay ang Bartending, Housekeeping, 2D Animation, Consumer Electronic Servising, Wiring Installation and Maintenance, Massage Therapy at Shilded Metal Arc Wedling.
Ayon kay Mayor Areli Grace Santos ang programang ito ang kanyang ipinatupad para makapagbigay ng gift of learning hindi lamang sa kabataan kundi pati na din sa may mga edad na gusto ding matuto kung saan ang nasabing programa ay nilaanan ng 3.4 Million mula sa Grassroot Participatory Budgeting Program.
Ayon kay Belinda Labutong Regional Assistant Director ng TESDA, ito ang kauna-unahang Mass Graduation of Skills Training Program sa ilalim ng Grassroot Participatory Budgeting Program.
Bukod sa allowance galing sa Munisipalidad ng General Mamerto Natividad ay pinagkalooban din nito ang mga nagtapos ng starter kit upang magamit sa kanilang pagsisimula.
At bilang kinatawan ng ama ng lalawigan Governor Aurelio Umali ay nag-iwan ng isang mensahe si Provincial Administrator Atty. Alejandro Abesamis.- Ulat ni Joyce Fuentes