Higit pitong raang kabang bigas ang ipinamahagi ng Pamahalaang Panlalawigan sa tulong ng Office of the Civil Defense sa Bayan ng Licab at Cuyapo kahapon August 20, 2018 sa drying grain facility sa Palayan City.
Sa aming panayam kay Michael Dela Cruz Calma, Chief ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office, labing siyam na bayan at lungsod ng lalawigan na apektado ng habagat noong July 20, 2018, ang mabibigyan ng Pamahalaang panlalawigan ng rice relief assistance.
Ibinahagi din ni Calma, na mayroong 24, 718 ang pamilyang apektado ng kalamidad sa lalawigan at 85, 890 ang apektadong indibidwal na nangangailangan ng tulong mula District 1 hanggang District 4 base sa report ng mga officers ng mga Local Disaster Risk Reduction and Management Offices.
Dagdag pa nito, hindi lang bigas ang kanilang ipinamimigay bagkus may iba pang food items na ipinagkaloob sa mga nasalanta ng habagat sa pangunguna ng Provincial Social Welfare and Development Office.
Matatandang, Ideniklarang State of Calamity ang Bayan ng Licab noong July 21, 2018 araw ng Sabado. Kaya naman para kay Raffy Borjal, kinatawan ng Bayan ng Licab , Malaking tulong aniya ang ibinigay na ayuda ng Provincial Government sa mahigit apat na libong kanyang kababayan na nasalanta.
Nagpapasalamat din si Myrna Rudydy Malapit, kinatawan ng Bayan ng Cuyapo sa tulong na natanggap mula sa pamahalaang panlalawigan para sa kanyang mga kababayan.
Pauna pa lamang ang 704 sa 2,480 bilang ng sako ng bigas na ipamamahagi ng Pamahalaang panlalawigan sa mga susunod na araw sa District 1 ay Aliaga, Guimba, Nampicuan, Quezon, Sto. Domingo, Talavera, Zaragoza. Sa District II naman ay ang Carranglan, Muñoz, Rizal, Talugtug. Sa District III ay Cabanatuan City at sa District IV ay Cabiao, Jaen, Peñaranda, San Isidro, at San Antonio.-Ulat ni Getz Rufo Alvaran.