Halos labing tatlong taon ng gumagawa ng musika ang ilan sa mga bandang nag perform sa Rockaura Concert. Ginanap ito sa Aura Club Cabanatuan City na dinaluhan ng mga rakista at mga taong sumusuporta sa mga local artists sa lalawigan ng Nueva Ecija. Ayon Kay Lui, Vocalist ng Malicmata at organizer ng Rockaura habang tumatagal ay mas lalong dumarami ang tumatangkilik sa mga local bands ng Nueva Ecija. Nag perform ang mga bandang Julian, Malicmata, Trianglulo, Death Trap, Eyescream, Grimripperz, TEmple of Messiah, 7th skool, Two Zereo Seven, Chukytos, We at Marry Married Me.

Julian

7th Skool

Malicmata
Ayon kay Ruel ng Bandang Chukytos. Pagmamahal sa musika at ka banda ang kanilang naging dahilan kaya tumagal ang Chukytos ng mahigit 13 taon. Ang bandang Eyescream at 7th Skool sa mga banda na nagparinig ng kanilang musika sa Global battle of the bands noong 2005 at globe kantabataan ng taong 2006. Patuloy pa rin na gumagawa ng musika ang ilang mga banda mula sa nueva Ecija at kasabay rin nito ang pag usbong ng mga bagong banda sa lalawigan na nabibigyan ng pagkakataon na iparinig ang kanilang musika dahil sa mga ganitong uri ng event. Nagpasalamat din ang mga Organizer dahil sa patuloy na suporta ng mga rakista ng Nueva Ecija.