Naging masusi ang  Executive Vice President for EDD and Security affairs ng SM Supermalls na si Engineer Antolin Paule kasama ang Philippine National Police sa pagsuri sa bawat security personnel at mga kagamitan ng SM Malls kung pasok ba sa standard ang kanilang serbisyo at kagamitan upang masiguro ang kaligtasan ng mga empleyado at customer ng SM.

Ipinakita ng nasa mahigit 250 security personnel ng SM ang kanilang kahandaan sa kanilang drill at mga kagamitan na patuloy na ina-upgrade ng SM malls. Bukod pa dito ay binigyan din ng pagkilala ang mga natatanging mga empleyado na nagsauli ng mga kagamitan at nakahuli ng mga shoplifter.

Mga natatanging empleyado, pinarangalan

Isa na dito si Gerby Balmores walong buwan ng CRS Representative ng SM Cabanatuan Department Store at nakakuha ng   isang unit ng Iphone 6 Plus na naibalik din agad sa nagmamay-ari nito. Aniya kasama talaga ito sa procedure ng SM tuwing makakaiwan ang isang customer ng kanyang kagamitan kaya naman naging maagap si Gerby sa            pagbibigay-alam na mayroong naiwang  gamit ang isang customer sa SM Department Store.  Abot din ang pasalamat ni Gerby dahil sa recognition na ibinigay ng SM sa kanyang nagawa. Aniya maliit na bagay man ito ay labis naman nyang ikinasaya ang pagkilala dito ng SM Management.  –Ulat ni Amber Salazar