Nilagdaan kamakailan ang isang memorandum of agreement o MOA na naglalayong palakasin ang pwersa laban sa cancer sa Premiere Medical Center (PMC) sa Cabanatuan City, nina Prosecutor Danilo Yang, chairman of the board ng PMC at Dr. Raynaldo Yang, president at founder joseph ray b. Yang cancer institute.

Ayon kay dr. Raynaldo yang, presidente at founder ng joseph ray b. Yang cancer institution, ang pag buo ng support group na ito ay malaking tulong para sa mga cancer patients lalo na sa mga kamag anak ng mga ito.

Ang joseph ray b. Yang cancer institution ay ang kauna unahang cancer institute dito sa lalawigan ng nueva ecija na sinimulan lamang noong nakaraang taon.

Layunin ng institution na ito na makatulong sa mga cancer patients lalo na sa mga novo ecijano upang hindi na mahirapan pang mag pagamot sa malayong lugar.

Dagdag ni dr. Lawrence de guzman, total quality management ng jrbyci, na gumawa sila ng three module of activity patungkol sa behavior, life style at ang huli ang spiritual para sa gagawing aktibidad ng mga cancer patient.
Sinimulan noong november 29, 2013 ang 1st patients activity na mayroong theme na capacity building to cope up with cancer.

Ito’y kanilang ipag papatuloy para makatulong sa mabilisang pag galing ng mga cancer patients.
Binigyan din ng pagkakataon ng jrbyci ang tv48 na makita at masilip ang kanilang chemotherapy preparation area kung saan inihahanda at tinitimpla ang mga gamot para sa mga cancer patient.
Ang jrbyci, ay malaking tulong para sa mga cancer patients dahil sa maganda nitong programa at serbisyo.

 

Para sa inyong mga katanungan maaaring tumawag sa hotline number: 463-7846, 463-7847,463-7848 at local 401.