Pinaghahanap ngayon ng mga awtoridad ang suspek na sumaksak sa kanyang kainuman sa barangay General Luna, bayan ng Zaragoza noong July 10, 2022.
Kinilala ang suspek na JOSEPH SANTOS y Valentin, 32 years old, may asawa, security guard, tubong Brgy Morcon, bayan ng Llanera. Habang ang pumanaw na biktima ay si ROSENDO DELA CRUZ y Bayudan, singkwentay otso anyos, may-asawa, magsasaka, at nakatira sa lugar kung saan naganap ang krimen.
Base sa report ng pulisya, 10:35 ng gabi nang magkainitan sa pagtatalo habang nag-iinuman ang suspek at biktima na humantong sa pagtatapon ni dela Cruz ng isang basong alak sa mukha ni Santos.
Bilang ganti ay pinagsasaksak ng suspek ang iba’t ibang bahagi ng katawan biktima gamit ang isang kutsilyo.
Rumesponde at isinugod ng Zaragoza Rescue Team sa Lapaz Medicare and Community Hospital si Rosendo ngunit idineklara itong dead on arrival. Samantala ang suspek na si Joseph Santos ay tumakas.